GOD, I HATE YOU SO MUCH RIGHT NOW.
Did it ever occur to you na kaya mainit ulo ko di dahil kailangan kong magbayad ng taxi? Putang ina, isipin mo, nakakahiya kay Kuya Marlon na magpasundo ng WALA SA ORAS NIYA tapos di rin pala makakasipot. Naisip mo rin ba na kaya uminit ulo ko kasi una, may kailangan pa kong gawin para bukas at pangalawa, kakagaling ko pa lang sa isang 9 am hanggang 9 pm na araw. Putang ina, LABINDALAWANG ORAS din yun sa Ateneo. At para lang malaman mo, kahapon at ngayon, dirediretso na kong nagaaral kasi puro test. So, wala halos tulog kahapon, maaga nagising ngayon at late na naman matutulog dahil sa presentation, tapos NASARHAN PA KO NG LRT, tapos pag dating ng V. Mapa hinahanap ko at wala si Kuya Marlon. At tinawag mo pa AKONG ASSUMING. Hello, walang baterya phone ko. Diba lalo ka nga dapat sumunod sa unang plano kasi di ko alam na nagpalit na? Paano kung may nangyari sa kin habang hinahanap ko si Kuya Marlon sa may stasyon? Magiging kasalanan ko pa ngayon na na-rape ako kasi iniba mo yung plano na hindi ko alam?
Alam mo, di lang talaga ako makapagsalita dahil palagi na lang, napaka-defensive mo. Para sa yo, di ka nagkakamali. At nakakainis talaga na sabihin mo pa na wala kang narinig na alam kong nagpasundo ako sa V. Mapa. Pwede ba, sa lahat naman ng gagawin mong basehan, yung memory mo pa ang ipaglalaban mo? Ilang beses na ba nangyari na lahat kami natatandaan namin habang ikaw wala ka man lang maalala? Wala kang narinig o wala kang MAALALA?
@6 months ago